phone: +420 776 223 443
e-mail: support@londoncreative.co.uk

Marian Rivera reunites with Katrina Halili in My Beloved; wants to enrol in a culinary school

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian Rivera, naitanong namin sa kanya kung ano ang feeling na magsasama sila ulit ni Katrina Halili sa isang teleserye.





Matatandaang unang nagkasama sina Marian at Katrina sa launching series ni Marian, ang Marimar.





Pagkatapos ng limang taon, magsasama silang muli sa My Beloved.





Si Dingdong Dantes na naman ang lalaking pag-aagawan nina Marian at Katrina sa serye.





Ayon kay Marian, "Looking forward ako kasi natapos ang Marimar na naging okay kami.





"'Tapos, nagkaroon ng time after ng Marimar na wala kaming ginawa kundi mag-text-an.





"Na nakakatawa, kung kailan tapos na ang Marimar, e, dun pa kami naging okay.





"'Tapos, kapag nagkikita kami, kahit papaano nagkukuwentuhan kami.





"Kaya sabi ko nga, looking forward ako [sa My Beloved]... May Sergio, may Angelica, may Marimar, di ba?





"Sabi nga ni Gabby [Eigenmann], 'Baka naman kailangan ninyo si Nicandro sa My Beloved.'





"Tsaka si Sheena [Halili], si Monica!"





Noon kasi sa Marimar, si Dingdong ang gumanap na Sergio at si Katrina naman si Angelica.





Parehong kasama ni Marian ang dalawa sa My Beloved.





Si Gabby naman ay gumanap na Nicandro noon sa Marimar, at ang Amaya co-star ni Marian na si Sheena Halili ay gumanap na Monica sa Marimar din.





CHEF MARIAN? Tinanong din ng PEP si Marian kung ano ang gusto niyang mangyari sa kanyang personal na buhay ngayong 2012.





"Personal, gusto ko na talagang pumasok sa culinary school kasi mas gusto kong palawakin yung pagluluto ko.





"Kasi, marami akong alam, pero wala akong ibang alam na twists na puwedeng gawin sa mga pagkain," sabi niya.





Paghahanda ba iyon sa kung kasal na sila ni Dingdong?





"Ayan na naman, kasal na naman!" bulalas niya.





"Hindi naman, para sa sarili ko yun.



"Kasi kapag meron kang gustong gawin at na-achieve mo yun, i-achieve mo yun para sa sarili mo, hindi para sa partner mo."





Ano ang pinakamasarap na niyang niluto?





"Lahat!" tawa ni Marian.





"Well, ang sabi nila, marami ang nagsabi, masarap daw yung caldereta ko at saka yung carrot cake ko."





Dahil iyon ang mga paborito ni Dingdong?





"E, siyempre dun na ako maniniwala, iyon ang ipinagluto ko, e!" at muling tumawa ang aktres.





Magtatayo ba siya ng restaurant balang-araw?





"Hindi naman ngayon. Pero sana, malay mo, pagka...





"After twenty years, bilang magaling na magaling na akong magluto, bakit hindi, di ba?"





"VERY, VERY HAPPY." Paano ide-describe ni Marian ang buhay niya ngayon?





"Very, very happy! Hindi lang happy lang, very happy ako."





Sa lahat ng aspeto?





"Oo, e. Kasi, parang...yung career, okay naman.





"Yung family ko, okay naman, may communication ako kay Papa."





Ang tinutukoy ni Marian ay ang kanyang Spanish father na si Francisco Javier Gracia, na nakabase sa kanyang bansa.





Patuloy niya, "Ang family ko naman, with Dong, okay.





"Ako din naman, sa family ni Dong, okay.





"Kami naman ni Dong, okay naman kami.





"Sa mga press, lalo na!





"Alam mo yung ganun? Parang...ano pa ba'ng hihilingin ko?



"Tapos ang dami kong naging kaibigan sa Amaya, marami akong naging ka-close.





"At alam ko marami pa akong magiging kaibigan sa My Beloved."





Dagdag pa ni Marian, "Nawalan na ako ng wall, na natakot ako katulad ng dati na sobrang transparent ako, tapos nadya-judge ako.





"So, ngayon, parang nawala na ulit yun, 'tapos natuto na ulit ako na eto na uli.





"Kaya masarap ang pakiramdam."





NEW YEAR'S RESOLUTION. Ano naman ang New Year's Resolution ni Marian ngayong 2012?





"Lagi kong sinasabi na gagawin kong mas makabuluhan yung year ko ngayon—hindi bilang artista, bilang tao.





"Kasi gusto kong ipagpatuloy yung pagtulong ko sa Red Cross.





"Kahit...sabi ko, kahit dito lang... Parang nung Christmas, parang yung sa feeding program sa mga streetchildren.





"'Tapos, nanghingi ako ng mga donations sa mga kilala kong doktor para ipadala sa Cagayan de Oro, yung mga ganun.





"Kahit simpleng bagay lang," saad ni Marian.





May mga pinuntahan rin siyang mga batang may cancer.





"Oo. Tapos yung sa Follow The Star, yung may bone cancer.





"Parang kahit konti lang na maitulong ko para mas maging makabuluhan yung year ko ngayon, e, gagawin ko."





Hindi niya ba balak magtayo ng sarili niyang foundation?





"Hindi na siguro, kasi si Dong, e, may foundation na [Yes Pinoy Foundation].





"Siguro tutulong na lang ako.





"Hindi naman porke wala kang foundation, hindi ka puwedeng tumulong.





"Kasi tulad niyan, kinuha ako ng Red Cross, so malaki akong magiging parte nila sa Red Cross.





"Ako naman, kay Dong din, hati din naman.



"Kapag kailangan naman niya ako, nandun din ako sa Yes Pinoy Foundation niya.





"So, puwede naman."





Paano kung finally ay maisipan ngang tumakbo ni Dingdong sa pulitika?





"Bahala siya. Kung saan siya mas magiging kumpleto bilang tao, e, di sige, sa likod lang niya ako," sagot ni Marian.