phone: +420 776 223 443
e-mail: support@londoncreative.co.uk

Article Gallery 1-12-12

Marian dadayo sa abroad para makapag-recharge

ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles

Akala namin, sa Metro Manila lang magpapahinga at magpapaganda si Marian Rivera nang banggitin ang mga gagawin sa ilang araw na wala siyang trabaho. ‘Yun pala sa ibang bansa pa magpapa-spa ang aktres at may mga kasama pa siya para siguro mas masaya ang bakasyon.



Heto pa, sasamahan siya ni Dingdong Dantes sa bakasyon sa ibang bansa at pareho nilang kailangan ang mag-recharge ng e*nergy dahil pagbalik nila, agad silang sasabak sa trabaho.



Napapansin namin, halos hindi na naghihiwalay ang dalawa at pati sa bakasyon, magkasama sila. Sa mga interview sa aktor, bukam-bibig ang pangalan ng aktres. Mukhang malapit nang lumagay sa tahimik ang dalawa.

---

Dingdong, nag-ala-Magellan kay Marian

Ni ROSE GARCIA




Kahit noong nagsisimula pa lang ang Amaya, natatandaan na namin na nabanggit na ni Dingdong Dantes na kung may chance, gusto niya na makapag-guest sa naturang epic-serye.





Una na siyempre ay para magpakita rin ng suporta sa girlfriend na si Marian Rivera. Second, umpisa pa lang, bilib na si Dingdong sa kauna-unahang epic-serye nga na nagawa ng GMA-7 that topbilled Marian.





Kuwento ni Dingdong, nang ikuwento raw sa kanya ni Marian ang magiging ending ng Amaya nag-volunteer na raw siya na puwede siyang gumanap sa isang character.





Pero hindi nga inaakala ni Marian na totohanin ni Dingdong ang sinabi nito. Kaya na-surprised ito na nag-cameo role ang boyfriend as Ferdinand Magellan.





In fairness, bagay kay Dingdong ang role lalo pa at lahing Espanyol naman siyang talaga.





May hirit pa nga raw ang actor na sana, may part 2 ang Amaya na mapapanood na ang finale nga*yong Biyernes. At bukod kay Dingdong, nag-cameo rin sina Kris Bernal bilang adult Alunsina at Rocco Nacino bilang adult Banuk.





All-out nga ang suporta ni Dingdong kay Marian for Amaya. Kahit sa personal Twitter account nito ay nag-post ito ng mensahe na, “I am so proud of how Marian portrayed Amaya in the series.



Indeed, this is something world class that all Filipinos can brag about.”





At sinundan pa niya ng kasunod na twitter post na, “Makibahagi sa huling 3 gabi ng Amaya.



Congratulations sa bumubuo nito. Mahusay! Mainam!”





After that, ilang linggo na lang nga at sa February 13, magsisimula na namang mapanood ang dalawa regularly sa primetime via their reunion series na My Beloved.

---

Marian Rivera respects stars who move to other network; hopes to finally do "special" movie project this year

Rommel Gonzales

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian Rivera, tinanong namin sa kanya kung ano ang opinyon niya sa mga artistang lumilipat sa ibang istasyon.



Nauuso kasi ngayon ang lipatan o rigodon sa mga artista, lalo na't nagiging mahigpit ang kumpetisyon ng tatlong pinakamalaking networks sa bansa—ABS-CBN, TV5, at GMA-7.



Ayon kay Marian, "Alam mo minsan mahirap ding mag-judge dun sa mga lumilipat at lilipat, kasi hindi mo alam kung ano'ng offer sa kanila, kung doon ba magiging mas maganda yung buhay nila.



"Hindi naman siguro ibig sabihin na yung mga lumipat, walang utang na loob.



"Siguro magiging mas maganda yung buhay nila.



"At yung mga ganun, dapat nirerespeto din natin.



"Kasi ako naman, hindi ko naman alam kung ano ang mga kontrata nila, so depende pa rin 'yan.



"Siguro huwag natin silang i-judge, di ba?



"Mahirap mag-judge, mahirap magsalita ng tapos.



"So, tingnan na lang natin.



"Pero ako, hindi ko dyina-judge yung mga lumilipat.



"Siguro may dahilan at merong mas malaking pagbabago sa buhay nila, na mas magiging maganda siguro kaya ginagawa nila yan."



Sa kaso ni Marian, masaya raw siya sa kinalalagyan niyang istasyon ngayon—ang GMA-7.



Sa Kapuso network ay kinikilala siya ngayon bilang "Primetime Queen."



Sabi nga ni Marian, "E, 'susmaryosep naman! Lahat na lang ibinigay na sa akin, hindi pa ba ako magiging happy?"



Ano naman ang reaksiyon niya sa pumutok na balitang ibebenta diumano ang GMA-7 sa TV5 head na si Manny Pangilinan?



"Bakit naman kasi ibebenta ang GMA?" balik-tanong ni Marian.



"Wala namang dahilan para ibenta.



"At napanood ko sa news na hindi naman daw totoo, so sabi ko, 'Okay!'"



Kahit noong una niyang narinig ang balitang ito ay hindi raw siya naalarma.

"Hindi! Kasi wala namang dahilan para ibenta ng GMA ang GMA," sabi ni Marian.



HULA-HULAAN. Samantala, may bagong hulang lumabas na ikakasal na raw sila ng nobyo niyang si Dingdong Dantes ngayong taon.



Ito ay lumabas matapos ang naunang hula na magkakahiwalay sila ng aktor at mabubuntis siya ng ibang lalake.



"Alam mo 2008, sinabi 'yan. 2009, mabubuntis ako. 2010, pangit ang career ko. 2011, mag-aanak na naman ako...



"Ano ba talaga? Walang nangyari!" at tumawa ang magandang aktres.



Pero dagdag din ni Marian, "Hindi, sinasabi ko naman din sa kanila, yung mga predictions naman, hindi naman natin kinokontra 'yan.



"Nirerespeto ko 'yang mga sinasabi nila, pero depende pa rin 'yan sa taong pine-predict nila, kung ano'ng klaseng pagkatao meron 'yan.



"At siyempre, thru prayers naman lahat, wala namang hindi nakukuha sa prayers, basta ginusto mo, e."



Si Marian mismo ay hindi pa raw naranasang magpahula kahit kailan.



"Hindi, ayaw ko, ayaw," sabi niya.



"Ayokong pinangungunahan ko yung mga bagay-bagay, e.



"Gusto ko habang nagtatagal at habang dumadaan yung mga araw, ako mismo sa sarili ko, alam ko yung gagawin ko at alam ko yung mga gusto kong gawin.



"Ayoko yung pinangungunahan ako.



"Kaya ayoko, ayoko."



Baka takot lang siyang marinig ang mga ihuhula sa kanya?



"Hindi sa takot. Kasi medyo ano ako, e, makontra ako, e, mamaya 'Weh! Ayoko nga!'



"Kaya huwag na lang."



Lahat nga raw ng mga ihinula sa kanya noong mga nakaraang taon ay hindi nangyari.



"Hindi nga, wala ni isa," nakangiting sabi ng aktres.



SPECIAL PROJECT. May gusto ba si Marian na isang bagay na mangyari sa kanyang career ngayong 2012?

"Career? Siguro sana magawa ko na yung movie na sinasabi sa akin ni Popoy [Caritativo, her manager].



"Hindi ko pa din alam, basta may sinabi lang sa akin na gagawin kong movie, pero wala pa.



"Dapat nga last year pa yun, e," saad ng Kapuso actress.



Espesyal daw ang naturang pelikula para kay Marian.



Aniya, "Dahil ang makakatrabaho ko dun ay hindi ko pa nakakatrabaho kahit kailan.



"Ino-offer pa lang at nilalakad pa lang , o wala pang mga tauhan.



"Ako pa lang ang isa. Kahit yung istorya, hindi ko pa din alam."



Wala pang alam na detalye si Marian tungkol sa naturang project kundi ang isang artistang makakapareha niya sana.



"Hindi ko pa alam, kasi mahirap yung sasabihin ko agad, 'tapos hindi ko naman magagawa, mapapahiya naman ako."



AMAYA FINALE. Sa pagtatapos ng Amaya bukas, January 13, marami raw hindi makakalimutang eksena si Marian.



"Mahirap ang isa. Madami...mga fight scenes," sabi niya.



Di ba't sanay naman siya sa fight scenes bilang nag-Darna na siya noon?



"Oo, pero may mga bagay na... Katulad nung isang araw na umuulan, pero kailangan naming kunan yung eksena kasi ieere na the following day.



"Nagpa-fight scene kami na umuulan, tapos paulit-ulit kami, kasi ang dami, e.



"Halos isandaang talents lahat yung kinakalaban mo, tapos kami, anim o pito lang yata kaming lumalaban sa isang daang mga fight instructors na iyon.



"So, nakakapagod din.



"Wala ka namang choice at kailangan mo rin namang mag-ingat kasi mamaya masugatan ka.



"Hindi naman puwedeng, 'Ay! Aray!'



"E, siyempre ako si Amaya. Kailangan matipuno ako, kailangan matapang ako, so minsan mahirap."