Luminary Talent Management Christmas Party for the Press
Pasiklab ang cash prize na pina-raffle ni Marian Rivera sa Christmas party sa press ng Luminary Talents ni Popoy Caritativo kung saan ang bida ng Amaya at Panday 2 ang pinakamalaking artista.
Palibhasa naging ma*ganda ang takbo ng career at pakikitungo ng press sa kanya, 200K ang inilabas ng aktres sa kanyang kaban ng kayamanan bilang Pamaskong handog sa manunulat.
Gusto nga ni Marian, P100K ang grand prize para tunay na maging masaya ang kanyang Pasko! Eh, napakiusapan siya ng press na hatiin ito kaya napunta ito kina Ricky Lo ng Philippines Star at Rhon Romulo ng ENPRESS, huh!
Big winner din ng P50K si Salve Asis ng Pili*pino Star Ngayon at PM at si Shirley Pizarro ng Manila Bulletin, huh!
Siyempre, present din sa party ang iba pang talents ni Popoy gaya nina Janice de Belen, Dennis Trillo, Jestoni Alarcon, AJ Dee at Martin Escudero. Lahat sila ay nag-donate ng cash sa raffle, bukod sa cash na gift ni Popoy, huh!
Personal ding binigay ni Martin ang gift niya sa press na nakakatuwa kahit hindi pa ganoong katingkad ang kanyang name!
Buti na lang, hindi jobless ang talents ni Popoy, huh! May filmfest entry rin si Dennis na Yesterday Today Tomorrow habang nasa Budoy naman si *Janice de Belen. Nasa Amaya pa rin si AJ at si Jestoni ay mapapanood sa Felina sa TV5 na kinaroroonan din ni Martin na isa sa cast ng Glamorosa.
Aba, sa Christmas party na ‘yon ng Luminary artists, busog na ang bulsa sa take home na cash gifts at panalo sa raffle, me*ron pang basket of goods mula kay Marian!
(Images: respective owners; Article: Jun Nardo)