Ang Panday 2 Reviews
Flavio vs Lizardo, bongga ang sagupaan
ALLAN DIONES
ANG action-fantasy ni Bong Revilla na Ang Panday 2 ang una naming napanood sa pitong entries ng 37th Metro Manila Film Festival.
Nakatakda nang ikasal ang magiting na panday na si Flavio (Bong) sa kanyang kasintahan na si Maria Makiling (Iza Calzado) nang muling maghasik ng lagim ang hari ng kadiliman na si Lizardo (Phillip Salvador).
Binuhay si Lizardo ng makapangyarihang mangkukulam na si Baruha (Lorna Tolentino). Sina*lakay ng mga kampon ni Lizardo ang lugar nina Flavio at tinangay ng mga ito si Maria.
May darating na bagong babae sa buhay ni Flavio, ang kanyang matapat na ala*gang dragon na si Bagwis na nang magkatawang-tao ay naging napakagandang dalaga na si Arlana (Marian Rivera).
Bukod sa mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa, si Arlana/Bagwis ang magiging katuwang ni Flavio sa pagsugpo sa tila walang kamatayang si Lizardo.
***
Natuwa kami sa Ang Panday 2 dahil napakalaki ng improvement nito mula sa naunang Ang Panday ni Senator Bong nu’ng 2009.
First scene pa lang ay kitang-kita mo na ang pagkakaiba dahil kung ‘yung una ay palaging madilim at hindi kagandahan ang pagkakailaw, itong sequel ay ang linaw-linaw at buhay na buhay ang kulay sa big screen.
Ang akala namin ay shot in HD (high definition) itong Ang Panday 2, pero hindi pala.
Red Cam ang ginamit dito ni Direk Mac Alejandre at in fairness ay mahusay mag-ilaw at humawak ng kamera ang kanyang DOP (director of photography) na si Daniel ‘Toto’ Uy (na first film itong AP2).
Maliban sa magandang visuals, ang laki rin ng in-improve ng special visual effects ng pelikula (na gawa ng Riot, Inc). Kahit araw at maliwanag ay klarado at malinis ang pagkakagawa sa compu*ter-generated characters.
Halatang pinagkagastusan at binusisi ang effects dahil mukha itong mahal at hindi katsipan.
Kahit napanood na natin sa maraming Hollywood flicks ang itsura ni Bagwis ay nakakatuwa ang nasabing dragon dahil sa ganda ng pagkakagawa nito.
Palakpakan din ang audience nu’ng press preview sa fight scenes ni Flavio, lalo na sa tuwing winawasiwas niya ang kanyang mahiwagang espada na sa isang hagisan niya sa ere ay tigok lahat ang isang hukbong kalaban niya sa gitna ng disyerto.
Na-excite kami sa bonggang labanan nina Flavio at Lizardo sa bandang ending na nakasakay si Flavio sa lumilipad na si Bagwis at magkatulong nilang sinugpo ang mala-higanteng bakulaw na si Lizardo.
Panalo ang highlight na ‘yon ng pelikula at doon pa lang ay sigurado nang matutuwa hindi lang ang mga bata kundi pati matatandang manonood ng Ang Panday 2.
Ubod ng ganda si Ma*rian Rivera bilang ragona (taong dragon) na si Arlana.
Mula pagkabata ay magkasama na sila ni Flavio, pero ngayon lang niya ipinakita rito ang kanyang tunay na anyo.
Pabulosa rin ang pagkagawa sa Lamitanya, ang daigdig ng mga ragona kung saan naroon ang hari nina Arlana na si Amang Daluyong (Eddie Garcia), ang kanyang magandang ina (Alice Dixson) at ang kapatid niyang inggitera at traydora na si Alira (Kris Bernal).
Hindi kahabaan ang role ni Iza Calzado bilang si Maria Makiling, pero may kakaibang twist sa dulo ang karakter niya na nagsakripisyo alang-alang sa pag-ibig niya sa mortal na si Flavio.
Tulad ni Maria ay gandara rin ang kanyang engkantadang ina (Lucy Torres-Gomez).
Kung last time ay very Heath Ledger na version ni Joker (sa The Dark Knight) ang akting ni Phillip Salvador bilang Lizardo, this time ay may halong Lord Voldemort (ng Harry Potter films) ang pagganap niya. kakalokah..
Iba-iba ang mga inimbentong alagad ni Li*zardo: may taong bato, taong paniki, dambuhalang alakdan, sireno at meron ding isdang halimaw na tulad ng nagpapanggap na si Emelita (Rhian Ramos) na balak lang palang nakawin ang punyal ni Flavio.
Ang lakas ng dating ng bagong pasok na kontrabida rito sa Ang Panday 2 na si Lorna Tolentino.
Sa buong pelikula ay hindi mo siya makikilala sa sobrang kapangitan niya, pero bonggang-bongga ang transformation ng bruha sa ending na na*ging ubod siya ng ganda at glamorosa!
Mukhang mangangabog ang hitad na LT sa susunod na pelikula. Meron pang 2 years para paghandaan ang Ang Panday 3 na ang balita namin ay ire-release in 3D format sa 2013!
Marian's acting has improved
Written by : Nel Alejandrino
TUNAY na maipagmamalaki nga ni Phillip Salvador ang kanyang portrayal as Lizardo sa Metro Manila filmfest entry na Panday 2.
Phillip convincingly played his character evil personified, so much so na when he died, nagpalakpakan ang mga nanood ng press preview at special screening sa Megamall nu’ng Lunes.
But will Phillip resurface in the third Panday na tiyak muling pangungunahan ni Senator Bong Revilla?
“Depende kay Kuya Bong,” nakatawang sagot ni Phillip.
Ang sagot naman ni Sen. Bong: “Depende sa istoryang muling bubuuin nina Direk Carlo (J. Caparas, creator at original author ng Ang Panday) at RJ Nuevas (who also wrote the script of Panday 2).
Ganunpaman, this early, tiyak nang si Direk Mac Alejandre ang ia-assign muli ng Imus Productions at GMA Films na mamahala sa Panday 3.
Maituturing kasing this latest edition ng Panday is the best. Yes, in terms of production values, production design at lalo na sa special effects.
Nagpakitang-gilas din lahat ng artistang bumubuo ng cast, pati na sina Lorna Tolentino, Alice Dixson at Lucy Torres, who play special roles sa pelikula.
Maganda na si Marian Rivera sa bawat pelikula, tv shows at series na kanyang ginawa at kasalukuyan pang ginagawa, pero dito sa Panday 2, she is not only beautifully made-up, kundi nag-improve rin siya, acting-wise.
What about Sen. Bong?
Well, we salute him for another acting job well done.
What proved really touching and commendable na masasabi sa naganap na premiere ng Panday 2 ay ang presence ng maraming underprivileged children in the audience. They came from different orphanages at charitable institutions.
Well, how they reacted sa pelikula is enough proof that once more, Sen. Bong succeeded in his desire na maging children-friendly ang Panday 2 like the previous Panday na ’di lang itinanghal two years ago bilang MMFF best picture, kundi nagbigay sa kanya ng best actor trophy.
Tinanghal din itong top grosser sa MMFF that year.
Bago nagsipagbalikan ang mga batang bisita sa kani-kanilang institutions, each of them ay binigyan ng loot bag ni Sen. Bong together with wife Bacoor Congresswoman Lani Mercado at anak na si Jolo (Revilla).
The production team ng Panday, headed by Andeng Ynares, misis ng governor ng Rizal na si Junjun Ynares at isa sa top guns ng Imus Productions, and Atty. Annette Gozon, purposely had an espada tulad ng gamit ni Sen. Bong bilang Panday made para sa bawat batang bisita.
No doubt, nag-add iyon sa kasiyahan ng mga bata.
* * *
Ang special screening at press preview ng Panday 2 was immediately followed by a party-cum-Christmas party.
Sen. Bong made every member of the press happy.
Sa raffle, na pinamahalaan ni Gorgy Rula, no one among those who were present went home empty-handed. Although, of course, may ilang lucky winners who really went home with abundant blessings.
Thank you, Sen. Bong. May your tribe increase and Merry Christmas din!