phone: +420 776 223 443
e-mail: support@londoncreative.co.uk

Marian Rivera is neither Noranian nor Vilmanian

by Rommel Gonzales



Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Enteretainment Portal) kay Marian Rivera, naitanong namin kung sino ang mas paborito niya—ang Superstar na si Nora Aunor, o ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.



Sa madaling salita, siya ba ay Noranian o Vilmanian?



"Hindi ko alam, parang lahat naman yata sila, ginusto silang dalawa nung araw, di ba?



"Walang itulak-kabigin sa kanilang dalawa," sabi ni Marian.



Napanood daw niya ang Darna at Dyesebel ni Vilma, since parehong ginampanan ni Marian sa GMA-7 ang dalawang nabanggit na nilikhang mga karakter ni Mars Ravelo.



"Ay, oo naman!" sambit niya.



Hiningan din namin ng reaksiyon si Marian na ang rights ng Darna at Dyesebel ay nasa ABS-CBN na.



Aniya, "Hindi... nakakapanghinayang lang kasi yung Dyesebel at yung Darna, isa sa pinakamagandang gawin yun, e, di ba?"



At least nagawa na niyang pareho, di ba?



"Ayun na lang, at least thankful ako na nagawa ko siya parehas," pahayag ni Marian.



DINGDONG IN POLITICS. Hiningan din ng komento si Marian sa sinabi ni Dingdong Dantes in an interview na wala itong planong pumasok sa pulitika.



Sabi ng aktres, "Hindi ko alam sa kanya, e. Kung wala, siguro wala pa siguro siya sa ngayon.



"Hindi natin alam, mahirap magsalita ng tapos.



"Pero sa mga ginagawa niyang advocacies 'tsaka yung YES Pinoy niya, siguro kuntento na muna siya dun.



"Bata pa naman siya."



Si Marian, wala ba siyang balak na pasukin ang pulitika?



"Ay, dito na lang ako sa showbiz, hindi ko kaya yung mga ganyan," sagot niya.



Noong araw ay wala ring interes si Vilma Santos na pasukin ang pulitika, pero ngayon ay ina na ito ng lalawigan ng Batangas bilang governor.



"A, talaga? Naku, malay ninyo, maging mayor ako ng Cavite?" sabay tawa ngAmaya actress



"Hindi, hindi... wala, wala, wala talaga. Ayoko!



"Dyusko naman, paguluhin ba ang buhay ko?



"Okay na ako dito sa pag-aartista, dito na lang ako."



ENJOYING EACH MOMENT.Speaking of pag-aartista, ano na ang pinakamahirap na ipinagawa sa kanya ni Direk Mac Alejandre sa Amaya.



"Ay, wala!" sagot niya.



"Wala, wala akong tinatanggihang eksena sa Amaya, wala akong inayawan, wala.



"Kasi ini-enjoy ko yung bawat moment na... although mahirap, lalo na yung mga mabibigat, yung mga eksenang pisikal, pero naniniwala ako na kahit mahirap yung work mo, basta ini-enjoy mo, hindi mahirap para sa 'yo."



At habang lalo raw gumaganda ang takbo ng kuwento ng kanilang epicserye, mas lalong nag-e-enjoy sa trabaho si Marian.



"Kaya nakakatuwa din, kasi yung mga writers kasi, napakadami nilang naiisip para mas mapaganda pa ang show," sabi niya.

(Image: MarianKnights)