phone: +420 776 223 443
e-mail: support@londoncreative.co.uk

Marian marunong sa buhay!

Wala pang katiyakan kung sino kina Robin Padilla, Richard Gutierrez, at Aga Muhlach ang makakapareha ni Marian Rivera sa pelikulang gagawin niya next year. Naka-focus kasi siya ngayon sa epicserye na Amaya at filmfest entry nila ni Sen. Bong Revilla na Ang Panday 2.

“Pagkatapos pa lang ng dalawa kong ginagawa at saka ilalatag sa akin ang susunod kong gagawin. Pero mauuna sa lahat ‘yung sitcom ko. Hindi pa tapos ang taon at marami pang tiyak na mangyayari. Marami pang magbabago!” paha*yag sa amin ni Marian sa huli naming pag-uusap.

Mauudlot na naman ang plano niyang bumiyahe sa Spain upang muling bisitahin ang ama. Mas gusto niya kasing gawin ang mga plano hindi bilang artista kundi bilang tao.

“Hindi pa muna. Gusto kong mag-invest uli sa something! Saka na lang pag natupad ‘yon,” sey niya.

Pero may apartments na siyang pinapaupahan, di ‘ba? Ilang pinto nga ‘yon?

“Basta! Baka ma-hold up ang lola ko eh siya ang naniningil! Ha! Ha! Ha!” katwiran ni Yan-Yan.

Eh, material thing, may hiling pa siya?

“Nakuha ko na! Kabibili ko lang! Ayyyyy!” balita niya.

Ano ‘yon?

“Basta!” pakiusap niya.

Baka siya ang bumili ng condo ni Maricel Soriano sa Rockwell?

“Hindi naman po! Sobra naman. Hindi ko kaya yun! Binili ko para sa sarili ko ‘yung reward ko sa sarili ko. Isang materyal na bagay lang,” sabi ng aktres.

Alahas ba ‘yon?

“Hindi. Nag-resign na ako doon,” bulalas niya.

Sasakyan?

“Basta, hinahawakan! Bumili ako ng bag! Huwag nang itanong ang tatak! Basta bag! Baka sabihin pa nila ang yabang ko!” katwiran ni Marian.

- Jun Nardo

Yan si Marian, marunong sa buhay, di tulad ng ibang artista na winawaldas ang pera sa walang kwentang bagay at bisyo :)